SUNDO

Hindi ito isang horror story. Actually romance to haha. Kasi kami ng boyfriend ko halos once a week na lang magkita ngayon since sa caloocan na sya nakatira ngayon para hindi sya mahirapan ng pag-uwi lalo na pag medyo gabi na yung uwian nya. So ayun, tinanung nya ko kanina..

Him: Ano oras uwian mo?
Ako: (kinikilig kilig na dahil may feeling na susunduin nya ko)…8 pero baka 7 palabasin na kami, bakit?
Him: ge :)

Tapos maya maya nagtext sya…

Him: sunduin kita, pasakay na ko ng bus..
Ako: (sobrang kilig dahil susunduin nya ko at magkikita kami)

Kasalukuyan akong nagrereview nun dahil may quiz kami sa Web Dev, tapos napapangiti ako sa kilig kaya yumuko nalang ako. Mamaya akalain pa nung mga kaklase ko baliw ako haha. Wala lang shinare ko lang kung gaano ako kinilig ngayong araw. Masaya lang ako kasi nagkita kami, sobrang miss ko na sya. :)

Insomnia

Di na naman ako makatulog.2:02am na wala parin.Di pa rin ako makaramdam ng antok.Nasanay na kasi yung katawan ko na matulog ng ganitong oras.Buti nalang 2pm pa pasok ko bukas.Pipilitin ko na nga makatulog. 

Freedom

Hi.Wala lang.Naisipan ko lang gumawa ng bagong tumblr kasi maraming nakakakilala sakin dun sa luma kong account kaya hindi ako masyadong makapagpost ng tungkol sakin, puro reblog lang ako ng reblog. But since anonymous ako dito, I can freely talk and post anything under the sun. So ayun lang. Bye :))